Friday, January 22, 2010

Nagsusulat Ako

Nagsusulat Ako

Nagsusulat ako dahil…
…tinawag ako ng mga salita
…kinalabit ako ng mga titik
…at hinikayat ako ng mga talata.

Nagsusulat ako dahil….
…narinig ko ang bawat kwentong ibinubulong ng kapaligiran
sa bawat hampas ng hangin sa mga naninilaw na dahon ng Nara
sa bawat musika ng tawanang naglalakbay sa kalawakan…
sa bawat yabag ng dalawang taong may nabuong pagkakaisa.


Nagsusulat ako dahil…
…may papel na nagsusumamong
mapunan ang kaniyang espasyo…
…at may tinta na nagnanais na kulayan ang mundo…


Nagsusulat ako dahil…
…may isang kwentong gustong maisilang sa mundo
Nagsusulat ako dahil…
may isang buhay na nag-aabang na mabuo…

Kaya’t nagsusulat ako.


********

Hey guys! Missed me? I know right. So as consolation, I am giving you this new poem. (Naks! First time ko tumula!!! Love it!) I scribbled this one while watching my classmates practice their blocking for our fashion show Le Vogue on the 29th. :D I suffered the longest WRITER'S BLOCK in my life and for the first time in months I spotted an inspiration-- the dancing leaves of a tree... So there. The reasons why I write. :D to GOD be the glory! :D