…narinig ko ang bawat kwentong ibinubulong ng kapaligiran–
sa bawat hampas ng hangin sa mga naninilaw na dahon ng Nara…
sa bawat musika ng tawanang naglalakbay sa kalawakan…
sa bawat yabag ng dalawang taong may nabuong pagkakaisa.
Nagsusulat ako dahil…
…may papel na nagsusumamong
mapunan ang kaniyang espasyo…
…at may tinta na nagnanais na kulayan ang mundo…
Nagsusulat ako dahil…
…may isang kwentong gustong maisilang sa mundo
Nagsusulat ako dahil…
may isang buhay na nag-aabang na mabuo…
Kaya’t nagsusulat ako.
********
Hey guys! Missed me? I know right. So as consolation, I am giving you this new poem. (Naks! First time ko tumula!!! Love it!) I scribbled this one while watching my classmates practice their blocking for our fashion show Le Vogue on the 29th. :D I suffered the longest WRITER'S BLOCK in my life and for the first time in months I spotted an inspiration-- the dancing leaves of a tree... So there. The reasons why I write. :D to GOD be the glory! :D
~Isang mag-aaral na may suot na salamin na mahilig magbasa at magsulat, maglaro ng ideya sa isipan, manood ng kakatuwang anime at pelikula, matulog ng mahaba, kumain ng tsokolate na ang tanging pangarap ay mapaghusay ang talento at maging isang tapat na taga-silbi ng Panginoon.~
.pampatanggal ng stress tuwing sobrang polluted ang utak ko at higit sa lahat ay ang pampatulog ko sa gabi.
+Lunchmates+
True to our name, we are the Lunchmates! Mga magkakaibigang sabay-sabay na kumain ng LUNCH sa paaralan. Magkakaiba man ng ugali, isang bagay ang nagbubuklod sa aming lahat-- ang di matatawarang sagrado naming pagtingin sa hapag-kainan at sa PAGKAIN!!! Sa presensiya ng Lunchmates, hindi ako nag-aatubiling um-order ng kahit ilang CUP ng EXTRA RICE. Kainan na!
Creator's Youth Encouragers in Action, Inc.
~mga kabataang ang layunin ay maghikayat ng mas marami pang kabataan upang kanilang makilala ang nag-iisa at tunay na tagapagligtas, si Hesus. ~mga kabataang sa kabila ng edad ay handang magsilbi at ialay ang kanilang lakas at panahon para sa ministeryo ng ating Panginoon. ~Isa ako dito. ~Maging bahagi ka rin. ~Para sa Kaluwalhatian ng Panginoo. ^^
No comments:
Post a Comment